Posts

Blog #5 "Sarah" ni Fanny A. Garcia

Image
 Duyan, John Mark F.  BSCRIM 2-B Pagtataya Gabay sa Pagsusuri  1. Ano ang ibig sabihin ng migrasyon-disintegrasyon?  - Ayon saking pagsasaliksik ang ibig sabihin ng migrasyon -disintegrasyon ay ang paglipat ng isang tao o persona mula sa isang lugar papunta sa isa pang lugar kung saan doon maninirahan sa maikli man o  sa matagal na panahon. 2. Ilahad ang konsepto ni Sarah sa OFW? Sa inyong palagay, paano niya nabuo ang gayong Pagpapakahulugan sa OFW? - Ang konsepto ni Sarah sa OFW pangungulila, malungkot. Nabuo ang gayong pagpapakahulugan sa OFW sapagkat ganun talaga ang mararamdaman dahil mangungulila ka talaga dahil malayo ka sa mahal mo sa buhay. 3. Ano ang konsepto ni Sarah sa pamilya? (lahad ang gawaing nakatalaga sa bawat miyembro ng pamilya ayon sa kanya? - Ang konsepto ni Sarah sa pamilya ay magsikap, matulungin at reaponsable. Para kay Sarah ang tatay ay siya ang naghahanap buhay para tustusan ang gastusun sa araw-araw, Nanay naman ay ang na...

Blog #4 "Sa Bakwit Iskul" ni Ferdinand Balino

 Duyan, John Mark F.  BSCRIM 2-B Pagtataya Gabay sa Pagsusuri  1. Suriin ang sumusunod:  a. Pamagat – Sa Bakwit Iskul  b. Pangunahing Tauhan – Paking, Hanya at Tiser Rio c. Tagpuan – Bakwit iskul d. Suliranin – Prinsipyo, Karapatan e. Iba pang element – Kalayaan 2. Ano ang pagbabagong naganap sa kapaligiran at kultura ng pangunahing tauhan sa kuwento?   Ang pababagong naganap sa kapaligiran at kultura ng pangunahing tauhan sa kwento ay ang kinagisnan nilang buhay na ang kapaligiran na dati ay tahimik at malinis ang simoy ng hangin ang pagpapatayo ng mga malalaking gusali at pabrika na dati ay puno lamang ang kanilang nakikita. 3. Ano-ano ang mga karahasang naranasan ng mga Lumad ayon sa Kwento?   Ang karahasang nararanasan ng mga Lumad ayon sa kwento ay sila ay pinapatay ng dahil kanilang ipinaglalaban ang kanilang karapatan sa lupaing ninuno na kanilang tribo. 4. Ano ang kahalagahan ng pangalan ng pangunahing tauhan sa mun...

Blog #3 Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo" ni Rolando A. Bernales

Duyan, John Mark F.  BSCRIM 2-B Gabay sa Pagsusuri 1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat?   -Gayun na lamang ang nasabi ng may-akda sa tulang Ang "Pagiging Bakla ay Pagbayubay rin sa kris ng kalbaryo" marahil nakikita ko naappansin niya na ang diskriminasyong nararanasan ng mga bakla o mga LGBTQIA+ sa kaniyang kinabibilangang lipunan ay sadyang mapanghusga at di makatao ang kanilang ginagawa kaya't napakahirap para sa kanila ang tanggapin ang pangungutyang inaabot nito sa mga tao sa kaniyang lipunan. 2. Sino ang sinasabi sa tulang iba‘t ibang mukha? Ano ang ginagawa nila? - Ang tinutukoy sa tula na iba't ibang mukha ay nabanggit dito ang bata, matanda, babae, lalaki, ama, ina at kapatid dahil ayon sa kaniya ay naiiba siya sa lahat dahil siya lamang ang kinuktya at dahil di siya tanggap ng lipunan ang kaniyang kasarian. 3. Tukuyin ang mga sinasabi sa tulang likong kultura’t tradisyon at bulok na paniniwala. - Ang sinasabi s...

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY

 Duyan, John Mark F.  BSCRIM 2-B 1. Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi? -Ang personang nagsasalita sa tula ay si Fr. Albert Alejo, SJ, ang kanyang sinasabi ay patungkol sa kasanayang pag patay sa tao  2. Ano’ng hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa pagpaslang sa tao? - Ang hayop na pinapaslang sa tula ay butiki, mahahalintulad ang pagpaslang sa tao dahil ang pagpatay ay parang mga hayop lang na walang awang kinikitil ang mga buhay ng tao. 3. Ano ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula?  - ayon sa aking pagkaintindi sa ibig sabihin ng tula sa huling taludtod na "habang ako'y pumapatay, kayo nama'y nanood" ay ang pagpatay ng isang tao ay meron itong kasamang nanood at nakikita naghihirap habang pinapaslang ang isang persona o indibibwal. 4. Kanino iniaalay ng may-akda ang tula? Sino-sino kaya sila?   - iniaalay ng may-akda ang tula sa mga tao, sa mga taong di kinikilala o nirerespeto ang karapatang pantao ng i...

Blog#2 "Iskwater" ni Luis G. Asuncion

Image
Duyan, John Mark F.  BSCRIM 2-B  1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay? - Ang sentral ng paksa ng sanaysay na "Iskwater" ni Luis G. Asuncion ay patungkol sa kung ano ang kalagayan o nararanasang kahirapan at kung anong buhay meron ang mga naninirahan sa Iskwater. 2. Mayroon bang paksa na ‘di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng  halimbawa. -Ang di tuwirang tinalakay sa teksto ay ang maling pagtrato ng gobyerno sa mga mahihirap, halimbawa nito ay ang planong pagdemolis sa mga kabahayan sa Iskwater at hindi naging makatao ang kanilang ginagawa sa mga mahihirap. 3. Ano ang layuninng may-akda sa pagtalakay sa paksa? Ipaliwanag -Ang layunin ng may-akda sa pagtalakay sa paksa ay upang ipakita sa mga mamamaya o sa gobyerno ang kalagayan ng mga nakatira sa iskwater na dapat sila ang binibigyang pansin ng gobyerno na tulungan upang masugpo ang kahirapang dinaranas ng mga tao. 4. Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit? Ano-ano naman ang mga hindi mo si...

Blog#1 Isang "Dipang Langit" Amado V. Hernandez

Duyan, John Mark F.  BSCRIM 2-B 1. Basahin at suriin ang mensahe ng tulang "Isang Dipang Langit' ni Amado V. Hernandez. •Suriin kung anong uri ng tula? Anong Teoryang pampanitikan ang angkop gamitin sa pagsusuri? - Ang tulang "Isang Dipang Langit" ni Amado V. Hernandez ay isang tulang damdamin dahil ipinahihiwatig nito kung ano ang kanyang naging saloobin sa masalimoot na  nangyari sa kanya sa bilanguan at mahahalintulad ito sa teoryang bayograpikal sapagkat ang tulang kaniyang ginawa ay hango sa totoong nangyari o pangyayari sa kanyang buhay. • Anong taglay na diwa/tema ang inilalarawan ng persona sa tula. - Ang taglay na diwa o temang inilalarawan ng persona sa tula ay ang paghihirap at pagtitiis na kanyang dinanas na pagkabilanggo sa mahabang panahon. •Piliin ang pinakamagandang saknong na iyong nagustuhan at bigyan kung bakit mo ito napili. -Ang aking napiling pinakamagandang saknong ay  "At bukas, diyan din, aking matatanaw sa sandipang langit na wala nang ...