Blog#2 "Iskwater" ni Luis G. Asuncion
Duyan, John Mark F.
BSCRIM 2-B
1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay?
- Ang sentral ng paksa ng sanaysay na "Iskwater" ni Luis G. Asuncion ay patungkol sa kung ano ang kalagayan o nararanasang kahirapan at kung anong buhay meron ang mga naninirahan sa Iskwater.
2. Mayroon bang paksa na ‘di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa.
-Ang di tuwirang tinalakay sa teksto ay ang maling pagtrato ng gobyerno sa mga mahihirap, halimbawa nito ay ang planong pagdemolis sa mga kabahayan sa Iskwater at hindi naging makatao ang kanilang ginagawa sa mga mahihirap.
3. Ano ang layuninng may-akda sa pagtalakay sa paksa? Ipaliwanag
-Ang layunin ng may-akda sa pagtalakay sa paksa ay upang ipakita sa mga mamamaya o sa gobyerno ang kalagayan ng mga nakatira sa iskwater na dapat sila ang binibigyang pansin ng gobyerno na tulungan upang masugpo ang kahirapang dinaranas ng mga tao.
4. Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit? Ano-ano naman ang mga hindi mo sinasang-ayunan? Bakit?
-Ang mga ideyang sinang-ayunan ko sa sanaysay ang pakilipaglaban nila sa pamamagitan ng pagkikipag-usap sa gobyerno sa kanilang karapatan na manirahan sa iskwater dahil wala silang malilipatan, at ang ideyang hindi ko sinang-ayunan ay ang maling pagtrato ng gobyerno sa mga mahihirap sa paraang pagdemolis ng mga kabahayan
5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto? Ipaliwanag.
-Nakauugnay ako sa kaisipang nakalahad sa teksto dahil ako rin ay isang mahirap ngunit di gaanong mahirap subalit parehong may nararanasang hirap ng buhay.
6. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto ng iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan ng iskwater? Ipaliwanag.
-Ang kahalagahan ng pagtalakay ng sanaysay sa palilinaw ng konsepto ng iskwater ay upang malaman ang nararanasang hirap at kung ano ang mga naging sanhi bakit naghihirap ang tao, at nabago ang aking pananaw sa kahulugan ng iskwater ay di dapat natin sila husgahan o maliitin dahil hindi natin alam kung anong hirap ng buhay na meron sila.
7. Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan? Ipaliwanag.
-Maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan sapagkat parehong mahirap ang buhay noon at ngayon.
Mungkahing Gawain
1. Gawan ng concept map ang salitang iskwater sa loob ng kahon.
Comments
Post a Comment