Blog#1 Isang "Dipang Langit" Amado V. Hernandez
Duyan, John Mark F.
BSCRIM 2-B
1. Basahin at suriin ang mensahe ng tulang "Isang Dipang Langit' ni Amado V. Hernandez.
•Suriin kung anong uri ng tula? Anong Teoryang pampanitikan ang angkop gamitin sa pagsusuri?
- Ang tulang "Isang Dipang Langit" ni Amado V. Hernandez ay isang tulang damdamin dahil ipinahihiwatig nito kung ano ang kanyang naging saloobin sa masalimoot na nangyari sa kanya sa bilanguan at mahahalintulad ito sa teoryang bayograpikal sapagkat ang tulang kaniyang ginawa ay hango sa totoong nangyari o pangyayari sa kanyang buhay.
• Anong taglay na diwa/tema ang inilalarawan ng persona sa tula.
- Ang taglay na diwa o temang inilalarawan ng persona sa tula ay ang paghihirap at pagtitiis na kanyang dinanas na pagkabilanggo sa mahabang panahon.
•Piliin ang pinakamagandang saknong na iyong nagustuhan at bigyan kung bakit mo ito napili.
-Ang aking napiling pinakamagandang saknong ay "At bukas, diyan din, aking matatanaw sa sandipang langit na wala nang luha, sisikat ang gintong araw ng tagumpay... layang sasalubong ako sa paglaya!" dahil sa kahit anong hirap ang iyong dinaranas laging isipin na may darating na pag-asa sa ating buhay at makakamit ang inaasam na tagumpay.
2. Ipakilala ninyo sa akin si Amado V. Hernandez sa loob ng 50 na salita.
- Si Amado V. Hernandez ay isa sa kilalang dalubhasang manunulat sa ating bansa Pilipinas, siya ay nakilala sa kanyang angking galing sa pagsulat ng tula, siya ay isinilang nong ika-3 ng Setyembre taong 1903. Dahil kanyang maling paniniwala na umanib sa kilusang komunista ang naghatid sa kanya sa bilanguan.
3. Gawing maikling kuwento ang tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado Hernandez.
- Ang maikling kuwento ay halaw sa Isang Dipang Langit.
Comments
Post a Comment