Blog #4 "Sa Bakwit Iskul" ni Ferdinand Balino
Duyan, John Mark F.
BSCRIM 2-B
Pagtataya Gabay sa Pagsusuri
1. Suriin ang sumusunod:
a. Pamagat – Sa Bakwit Iskul
b. Pangunahing Tauhan – Paking, Hanya at Tiser Rio
c. Tagpuan – Bakwit iskul
d. Suliranin – Prinsipyo, Karapatan
e. Iba pang element – Kalayaan
2. Ano ang pagbabagong naganap sa kapaligiran at kultura ng pangunahing tauhan sa kuwento?
Ang pababagong naganap sa kapaligiran at kultura ng pangunahing tauhan sa kwento ay ang kinagisnan nilang buhay na ang kapaligiran na dati ay tahimik at malinis ang simoy ng hangin ang pagpapatayo ng mga malalaking gusali at pabrika na dati ay puno lamang ang kanilang nakikita.
3. Ano-ano ang mga karahasang naranasan ng mga Lumad ayon sa Kwento?
Ang karahasang nararanasan ng mga Lumad ayon sa kwento ay sila ay pinapatay ng dahil kanilang ipinaglalaban ang kanilang karapatan sa lupaing ninuno na kanilang tribo.
4. Ano ang kahalagahan ng pangalan ng pangunahing tauhan sa mundo ng mga Lumad ayon sa kuwento?
Ang kahalagahan ng pangalan ng pangunahing tauhan sa kwento sa mundo ng mga Lumad ayon sa kwento dahil hango ito sa mandirigmang ipinaglaban ang prinsipyo't paniniwala para sa mamayang Lumad.
5. Paano pinatapang ng mga pangyayaring kanilang naranasan ang mga tauhan sa kuwento?
Pinatapang ng mga pangyayaring kanilang nararanasan ang mga tauhan sa kwento dahil sila ay naninirahan sa kabundukan, doon pa lamang ay di na masusukat ang kanilang kakayahan at katapangan upang harapin ang kanilang buhay.
6. Paano nahubog ng paaralang Lumad ang mga panguahing tauhan?
Hinubog ng paaralang Lumad ang mga pangunahing tauhan ang ilan sa mga tradisyon at paniniwala nila, halimbawa nito nito ay ang karapatang makihalibilo sa ibang tao lalo na sa mga kababaihan.
7. Ano-ano ang isyung tinalakay sa kuwentong Sa Bakwit Iskul? Ipaliwanag ang bawat isa
Ang mga isyu na tinalakay sa kwentong Sa Bakwit Iskul. una, ang pagpatay sa kanila ng di alam ang kadahilanan, pangalawa, ay kinakamkam ang kanilang lupang kinatitirikan ng kanilang mga kabahayan na minana pa nila sa kanilang ninuno at ang pulusyon ng nanggagaling sa mga pabrika.
8. Magbigay ng iba pang Pilipinong namatay bunga ng paninindigan sa prinsipyo at paglaban sa mali sa kasaysayan ng Pilipinas. Ilarawan ang napili at isalaysay ang kanyang nagawa.
Si Andres Bonifacio ay isa sa kinikilalang bayani ng Pilipinas sa kanyang ipinakitang katapangan at siya'y namatay dahil ipinaglaban niya ang prinsipyo't karapatan ng bawat Pilipino at nagbigay ng kalayaan para sa bansa.
9. Ano ang prinsipyo? Ano ang kahalagahan nito? Ipaliwanag.
Ang prinsipyo ay isang uri ng pananaw ng bawat tao maaring tama o mali ang pinaniniwalaan. Ang kahalagahan ng prinsipyo ay ang iyong ipinaglalaban ang iyong karapatan bilang tao.
10. Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa inyong kapwa at bayan?
Maipapakita ko ang pagmamahal ko sa aking kapwa at bayan sa pamamagitan ng pakikiisa sa diwa't layunin ng gobyerno sa ating bansa at pagrespeto sa bawat mamayan sa kahit anong antas ng buhay meron ang inyong kapwa maaring mahirap o mayaman, matanda man o bata ay kailangang respetuhin.
11. Magbigay ng mga karapatan ng kabataan ang nalabag sa kuwento? Ipaliwanag.
Ang karapatan ng kabataan na nalabag sa kwento ay ang karapatang makisalamuha sa ibang tao mapababae man o lalake.
Mungkahing Gawain
1. Ibuod ang binasang kwento. Isulat ang buod sa mga kasunod na patlang
- Ang Pilipinas ay sagana sa mayamang kultura hindi maikakaila pati rin sa tribong mayroon ang ating bansa. Dahil dito maiiwasan angdiskriminasyon at pang-aabuso ng mga minoryang pangkat mula noonhanggang sa kasalukuyang panahon mula sa kamay ng mga dayuhan at ngmga kapwa Pilipino. Ramdam na ramdan pa rin ng mga katutubo ang lupitsa kanilang mga danas pati na sa mga social networking sites ay laganapang pagkakaroon ng diskriminasyon.
2. Hatiin ang klase sa ilang pangkat na may hindi hihigit sa tiglilimang myembro. Matapos ay bumuo ng advocacy campaign poster kaugnay ng mga isyung tinalakay sa kuwento. Ipakita sa harap ng klase at ipaliwanag ang poster na ginawa ng inyong pangkat. I-uploaad din sa iba‘t ibang social media platform ang inyong poster.
3. Panoorin ng dokumentaryong Lumad: Schools Under Attact ng Bughaw Organization Philippines sa YouTube. Matapos ito ay sumulat ng isang mapanuring sanaysay hinggil sa dokumentaryong pinanood.
- Bakit gayun na lamang ang ginagawa ng administrasyon at mga militar sa mga meyembro ng mga Lumad? Malaking katanungan para sakin dahil di ko alam bakit ito ginagawa ng gobyerno. bakit kaya sinisira ng mga militar ang mga paaralan at ginagawa ang mga karumaldumal na panggagahasa at pagpatay sa mga Lumad. nakakaawang tingnan ang mga Lumad na walang awang pinagpapapatay sa loob ng paaral, mismo ang mga kabataan at mga guro na nag-aaral at nagtuturo ay pinapaslang. nasaan na ang karapatan ng mga Lumad na mamuhay ng payapa. Marapat lamang na pahalagahan ang ating mga Lumad at pakinggan ang kanilang pakiusap. dapat itigil na ang karahasang ginagawa nito sa sa Lumad.
4. Punan ang kasunod na KWL chart hinggil sa sitwasyon ng mga pangakat minorya ng mga kailangang impormasyon.
Comments
Post a Comment