Blog #5 "Sarah" ni Fanny A. Garcia

 Duyan, John Mark F.

 BSCRIM 2-B


Pagtataya Gabay sa Pagsusuri 

1. Ano ang ibig sabihin ng migrasyon-disintegrasyon? 

- Ayon saking pagsasaliksik ang ibig sabihin ng migrasyon -disintegrasyon ay ang paglipat ng isang tao o persona mula sa isang lugar papunta sa isa pang lugar kung saan doon maninirahan sa maikli man o  sa matagal na panahon.


2. Ilahad ang konsepto ni Sarah sa OFW? Sa inyong palagay, paano niya nabuo ang gayong Pagpapakahulugan sa OFW?

- Ang konsepto ni Sarah sa OFW pangungulila, malungkot. Nabuo ang gayong pagpapakahulugan sa OFW sapagkat ganun talaga ang mararamdaman dahil mangungulila ka talaga dahil malayo ka sa mahal mo sa buhay.


3. Ano ang konsepto ni Sarah sa pamilya? (lahad ang gawaing nakatalaga sa bawat miyembro ng pamilya ayon sa kanya?

- Ang konsepto ni Sarah sa pamilya ay magsikap, matulungin at reaponsable. Para kay Sarah ang tatay ay siya ang naghahanap buhay para tustusan ang gastusun sa araw-araw, Nanay naman ay ang nag-aala, gumagawa ng nga gawaing bahay at gumagabay sa kaniyang mga anak at ang ate naman ay tumutulong upang bantayan at gabayan ang nakababatang kapatid at turuan ng magagandang asal.


4. Ilarawan ang pamumuhay ng pamilya ni Sarah bago magtungo ang kanyang ina sa Saudi Arabia upang magtrabaho doon.

- Ang pamumuhay ng Pamilya ni Sarah bago magtungo ang kaniyang ina sa Saudi Arabia upang magtrabaho ay nakakaraos naman sa pang araw-araw ngunit ang trabaho ng kanilang ama ay hindi permanente kaya hindi maayos ang kanilang buhay.


5. Ano-ano ang iba‘t ibang salik na nagtulak sa ina ni Sarah upang magtrabaho sa Saudi Arabia? Ano-ano naman ang dahilan ng mga OFW na iyong kakilala o nababasa sa mga pag-aaral? 

- Ang salik na nagtulak sa ina ni Sarah upang magtrabaho sa Saudi Arabia ay ang kahirap dahil dito ay naisipan niya na ito ang magiging solusyon para makaahon sa hirap at matustusan ang kanilang araw-araw na pamumuhay. Ang kakilala kong OFW ang dahilan niya rin ay upang makaahon rin sa hirap dahil napakahirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon kaya’t naiisipang mangibang  bansa.


6. Paano nabago ang pamumuhay ng pamilya ni Sarah sa sumusunod na aspekto nang umalis ang kanyang ina upang magtrabaho sa Saudi Arabia? Ipaliwanag. 

a. Aspektong ekonmik?

- Nabago ang pamumuhay ng pamilya ni Sarah nung umalis ang kaniyang ina na nagtatrabaho sa ibang bansa, naging maayos ang lagay ng kanilang buhay at natutustusan ang kanilang pag aaral at mga pang araw-araw na gastusin.


b. Aspektong Sosyal Relasyonal

Relasyon ng magkakapatid sa isa’t isa

- Di naging maganda ang relasyon ng magkapatid sa isa’t isa dahil laging silang nagaaway.

Relasyon ng magkakapatid sa kanilang tatay

- Mahal nila ang kanilang amq ngunit pinapagalitan at nasisigawan nila ito dahil sumusubra na ang kanilang tatay  dahil sa kalasingan.

Relasyon ng magkakapatid sa kanilang nanay 

- Maganda ang relasyon nila at nirerespeto at ginagalang nila ang kanilang ina subalit may mga panahong naiisip nila bakit naghihirap parin sila sapagkat naroon naman sa abroad ang kanilang ina. Ngunit si Sarah ay nauunawaan niya ito.


c. Aspektong emosyonal

- Ang mawalay sa pamilya ay isang napakalungkot na sitwasyon dahil mahihiwalay ka sa nakapahabang panahon. Ang mga naging kasanayan mo na nariyan pa ang mahal mo sa buhay ay mga alalaa nalang muna sa ngayon.


7. Paano binago ng pangingibang-bansa ng kanyang ina ang pagkatao ni Sarah? 

- Malaki ang pagbabago sa pagkatao ni Sarah, siya ay isang responsabling tao at anak dahil wala na ang kaniyang ina para gabayan siya sa lahat. Naging mature na ang kaniyang pagdedesisyon para sa kanyang kapakanan.


8. Ilahad ang kahalagahan ng kaibigan, kasintahan at kaanak sa buhay ng isang anak na ang magulang ay nangibang-bansa para mapunan ang pangangailangan ng pamilya. 

- Ang magulang ay syang naghahanap ng paraan upang matustusan ang pangangailan ng pamilya, kaya ang Mga kaibigan, kasintahan at kaanak ay mahalaga lalo na kapag wala ang magulang mo sa tabi mo, nanjan sila para sayo, gagabayan, aalagaan at mamahalin upang maibsan ang lungkot at pangungulila na iyong nararamdaman, nanjan sila para maitama ang mga maling nagagawa . 


9. Ano ang kahalagahan ng spaghetti, sinigang at menudo sa pamilya ni sarah? 

- Ang kahalagahan ng mga spaghetti, sinigang at menudo sa pamilya ni Sarah ay  may malaking halaga o importante sa kanya dahil ito ang niluluto ng kanyang ina tuwing may okasyon sa kanila.


10. Ano-ano ang nagsisilbing coping mechanism ni Sarah upang maibsan ang pangungulila sa kanyang ina/nanay.

- Ang katuwang ni Sarah upang maibsan ang pangungulila nito sa kanyang ina ay ang kaniyang lasintahan at iniisip niya nag nagtatarabaho ang kanyang ina para sa kanila at para sa pag-aaral niya.


11. Bilang isa pang halimbawa ng creative nonfiction, ano-ano ang mga katangian ng binasang akdang ikinahusay nito? Ipaliwanag. 

- Ang katangian ng akdang pinamagatang Sarah at ikinahusay nito dahil nakahango ito sa totoong buhay sa mga panahon ngayon kaya’t nababago ang pananaw ng mga nakababasa ng akdang ito.


Mungkahing gawain 

1. Sa loob ng kasunod na Kahon bumuo ng concept map para sa Akronim ng OFW. 





Comments

Popular posts from this blog

Blog#2 "Iskwater" ni Luis G. Asuncion

Blog #4 "Sa Bakwit Iskul" ni Ferdinand Balino