SANAYAN LANG ANG PAGPATAY

 Duyan, John Mark F.

 BSCRIM 2-B


1. Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi?

-Ang personang nagsasalita sa tula ay si Fr. Albert Alejo, SJ, ang kanyang sinasabi ay patungkol sa kasanayang pag patay sa tao 



2. Ano’ng hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa pagpaslang sa tao?

- Ang hayop na pinapaslang sa tula ay butiki, mahahalintulad ang pagpaslang sa tao dahil ang pagpatay ay parang mga hayop lang na walang awang kinikitil ang mga buhay ng tao.


3. Ano ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula? 

- ayon sa aking pagkaintindi sa ibig sabihin ng tula sa huling taludtod na "habang ako'y pumapatay, kayo nama'y nanood" ay ang pagpatay ng isang tao ay meron itong kasamang nanood at nakikita naghihirap habang pinapaslang ang isang persona o indibibwal.



4. Kanino iniaalay ng may-akda ang tula? Sino-sino kaya sila? 

 - iniaalay ng may-akda ang tula sa mga tao, sa mga taong di kinikilala o nirerespeto ang karapatang pantao ng isang indibidwal ma mamamayan.



Mungkahing Gawain


 

1. Magsaliksik tungkol sa partikular na kaso ng pagpaslang sa panahon ng 

kasalukuyang administrasyon. Matapos ay gumawa ng maikling reaksyong papel 

hinggil sa kasong nasaliksik.



"Radio broadcaster patay sa pamamaril ng riding in tandem sa Las Piñas City"



Ayon sa aking pagsasaliksik tungkol sa partikular na kaso ng pagpaslang sa panahon ng kasalukuyang administrasyon ay tungkol sa pagpaslang ng tinatawag na "riding in tandem" sa sikat na mamamahayag na si Percy Lapid.


Ang pagpaslang sa mga personalidad sa ngayong panahon ay isa sa pinakamatunog na krimen na ating naririnig at napapanood sa telebisyon at radyo. Si Lapid ay isang matapang na mamamahayag dahil iminumungkahi niya ang mga maling ginagawa ng mga nakaupong pulitiko sa kasalukuyang administrasyon, subalit bakit kelangan niyang danasing paslangin kung nagsasabi lamang siya ng mga katotohanang nangyayari sa ating paligid.


Ang pagpatay kay Lapid ay paglabag sa batas at paglabag sa karapatang pantao ni Lapid, kaya't marapat lamang na bigyang hustisya ang kaniyang pagkamatay dahil kailangang pagdusahan ng sinumang nagkasala sa batas at kailangan pagdusahan ang krimeng ginawa nito.


Comments

Popular posts from this blog

Blog#2 "Iskwater" ni Luis G. Asuncion

Blog #4 "Sa Bakwit Iskul" ni Ferdinand Balino

Blog#1 Isang "Dipang Langit" Amado V. Hernandez