Blog#2 "Iskwater" ni Luis G. Asuncion
Duyan, John Mark F. BSCRIM 2-B 1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay? - Ang sentral ng paksa ng sanaysay na "Iskwater" ni Luis G. Asuncion ay patungkol sa kung ano ang kalagayan o nararanasang kahirapan at kung anong buhay meron ang mga naninirahan sa Iskwater. 2. Mayroon bang paksa na ‘di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa. -Ang di tuwirang tinalakay sa teksto ay ang maling pagtrato ng gobyerno sa mga mahihirap, halimbawa nito ay ang planong pagdemolis sa mga kabahayan sa Iskwater at hindi naging makatao ang kanilang ginagawa sa mga mahihirap. 3. Ano ang layuninng may-akda sa pagtalakay sa paksa? Ipaliwanag -Ang layunin ng may-akda sa pagtalakay sa paksa ay upang ipakita sa mga mamamaya o sa gobyerno ang kalagayan ng mga nakatira sa iskwater na dapat sila ang binibigyang pansin ng gobyerno na tulungan upang masugpo ang kahirapang dinaranas ng mga tao. 4. Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit? Ano-ano naman ang mga hindi mo si...